Ang pag-ibig ay kwento ng Kamustahan at Paalam.
Mula sa isang kantang hindi ko alam ang pamagat. May nakapagsabi saking wala daw sense, pero kung iisipin mong mabuti.. merong ibig sabihin. Obvious naman eh. Lahat ng love story nagsisimula sa kamusta. Strangers muna, Hi at Hello. Naniniwala ako na ang relasyon ay parang barko. Magsisimula sa paglayag, hanggang sa nasa kalagitnaan na siya ng dagat. Ang iba, nakakaabot sa daungan. Ang iba.. lumulubog. Ganito ang pag-ibig pag maglalayag pa lang:
- “Hi po.”
- “Kamusta?”
- Padaanan ng GM.
- Occasional PM’s.
- Getting to know stage
- Deep and serious conversations.
Tapos kapag nasa tubigan na:
- Everyday texts.
- Regular Goodmorning/Goodafternoon/Goodevening.
- Nagiging komportable na sa isa’t isa.
- Nagiging sweet na.
- “I love you. Joke! Hehe..”
- “I love you. Hahaha.”
- “I love you.”
May mga times na may mga bagyong dadating, nasa barko na yun kung matibay siya para mapagtagumpayan o hindi yung unos, minsan nagiging ganito:
- Misunderstandings.
- “Bahala ka nga dyan.”
- “Ewan ko sayo.”
- “Nakakasawa na, paulit-ulit na lang.”
- “Ayoko na, tama na.”
Kapag matibay ang barko:
- “Pag-usapan natin to.”
- “Kaya natin to, matatapos din to.”
- “I love you. I really do.”
All in all, nakadepende sa nakasakay ng barko kung pag-iigihin ang pagmamaniobra ng barko kung makakabot man ito sa daungan o gagamitin ang katangahan at palulubugin ang barko.